Monday, May 23, 2016

Maunlad Elementary School Outreach Program







Sumama kami ng mga co-workers ko sa isang grupo ng mga nagooutreach sa mga lugar lugar na kailangan ng tulong at napadpad kami sa MAUNLAD ELEMENTARY SCHOOL sa REAL QUEZON na sakop daw ng University of the Philippines Laguna-Quezon Grant. Dun nakita ko ang simple pamumuhay ng mga tao, walang maayus na daan, walang gaanong mga computers, may ilaw from 6pm-10pm (kasi generator lang) pero makikita mo mga tao masaya,mga bata nagtatakbuhan naglalaro ng luksong tinik, habulan , volleyball at iba pa. Sa aming pagpunta ehh nakausap namin yung isa sa kagawad ng barangay, ikwenento nya ang buong kasaysayan ng lugar kung saan almost 30 years na daw sila dun. Tinanong namin bat ganoon na lamang ang itsura ng classroom (gawa sa scrap wood at ang dingding ay parang metal sheet) sira sira at  di ito gawa sa koncreto, at nakwento nga niya na ang kanilang lupa ay may issue na pinagaagawan pa, na dahil di parin konkreto ang classroom at mga bahay nila ay hinaharang ng managemeng na UPLB Quezon Laguna Grant Management ang mga materyales, dahil na din na yun lang ang dadaanan mo papasok sa lugar nila ay yung guardhouse ng UPLB Laguna Quezon Grant na pag ginagawa nilang koncreto ay dalidalian nila itong ginigiba. Hanggang ngayon nakikpaglaban parin ang mga mamayan dun sa karapatan nila sa lupa.

 Sa University of the Philippines Los BaƱos Land Grant Management Office di na kayo naawa sa mga mamayan dun . There  families in the area na nakikipaglaban para sa karapatan nila sa lupa.,for how many years na silang nakikipaglaban halos dun na sila nagsitanda,.halos kahoy at sawali lang gawa ang mga bahay nila kasi pag nagtatayo sila ng koncreto ehh ginigiba nyo?yung school gawa sa scrap na mga kahoy at yero kasi di pwede gawin konkreto dahil di daw pinapapasok ang mga materyales ng UPLB Grant Management. Balak daw kasi nyong gawing jamboree site yung lugar kaya pinapalayas nyo sila,.bakit di ba pwedeng andun sila? tapos yung ilaw 6pm to 10pm lang,.maraming mga bata ang may matataas na pangarap at gusto umunlad,.sana naisip nyo, habang kayo ay nasa magagarang bahay, may maayos na damit at may kuryente ay may iba na naghihirap at nahihirapan sa buhay dahil sa inyo..Sana ay maabot sila ng gobyerno para tulungan pero parang hinaharang nyo lahat ng tulong. Sana makita ng gobyerno ang kalagayan nila doon at matulungan. Sabi pa ni kagawad,"Ngayon nga po umaasa kami na matulungan kami ng ating bagong pangulo (DUTERTE) dahil tumutulong daw talaga sya sa mga kagaya nmin". Sana kumalat ito at maaksyunan ng kinauukulan.



reference: http://www.tribune.net.ph/nation/uplb-assailed-for-harassing-farmers-in-sierra-madre-belt